MANILA, Philippines - Higit isang milyong katao na ang dumagsa sa Manila North Cemetery upang bisitahin ang mga pumanaw na kamag-anak sa araw ng mga santo.
Ayon sa isang ulat sa radyo, patuloy pa ang pagdagsa ng mga tao sa pinakamalaking sementeryo sa Metro Manila na may lawak na 54 hektarya.
Mahigpit na rin ang seguridad na ipinapatupad ng mga awtoridad sa loob ng sementeryo.
Ipinagbabawal sa Manila North Cemetery ang pagdadala ng alak, pagsusugal, pagdadala ng mga armas at ang paninigarilyo.
Samanta, ilang katao na rin ang nilapatan ng pangunang lunas matapos himatayin dahil sa dami ng tao at mainit na panahon.
Higit 1,000 pulis, sundalo, miyembro ng non-government organizations ang nakakalat sa sementeryo upang masiguro ang seguridad ng publiko.