MANILA, Philippines - "Desperate act"
Ito ang pahayag ni Bayan secretary general Renato Reyes Jr. sa talumpating ginawa ni Pangulong Benigno Aquino III Huwebes ng gabi.
Sinabi ni Reyes walang ibang ginawa si Aquino kagabi kung hindi depensahan ang umano'y maanomalyang Disbursement Acceleration Program (DAP).
"Aquino's speech on primetime was nothing but a desperate defense of DAP and presidential lump sum discretionary spending or pork," pahayag ni Reyes.
"He says the issue is corruption (pagnanakaw) yet he conveniently omits the fact that DAP also went to Napoles' NGOs and corrupt politicians," dagdag niya.
Sinabi ni Reyes na hindi mapipigilan ng talumpati ni Aquino ang publiko na hanapin ang katotohanan at maparusahan ang mga may sala sa likod ng maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund o mas kilala sa tawag na pork barrel.
"We will be going back to the streets on November 7 for the Napoles Senate testimony, November 11 for the SC (Supreme Court) oral arguments on DAP and on November 13 for the Kalampagan Kontra Korapsyon," banggit ni Reyes.