MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Cebu at Bohol kasunod nang pagtama ng magnitude 7.2 na lindol ngayong Martes.
Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu sa kanilang Twitter account na naghain ng resolusyon ang kanilang Provincial Board upang maideklara ang state of calamity.
Resolution was passed by the #Cebu Provincial Board 20 mins ago declaring Cebu Province under state of calamity. http://t.co/ljNJ7rPVOi
— Province of Cebu (@cebugovph) October 15, 2013
Kanina lamang ay naglabas ng Executive Order si Cebu Governor Hilario Davide III upang suspendihin ang klase sa lahat ng antas bukas.
“The district offices of the Department of Education and the Department of Public Works and Highways are urged to immediately conduct on site assessment so that the proper certifications as to the safety and soundness of government school buildings and structures will be obtained," pahayag ni Davide.
Samantala, iniulat naman ng People's Television ang deklarasyon ng probinsya ng Bohol.
Bohol board member Cesar Tomas Lopez: Idineklara na ang state of calamity sa Bohol ngayon. #earthquakePH
— People's Television (@PTVph) October 15, 2013
Tumama kaninang pasado alas-8 ng umaga ang lindol kung saan umabot na sa 40 katao ang nasawi ayon sa pinakahuling tala ng mga awtoridad.
Daan-daang aftershocks na rin ang naranasan ng Visayas ilang oras matapos ang lindol.
Nakasaad sa batas na maaaring galawin ng lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund kapag nakapailalim sa state of calamity.
Hindi rin maaaring magtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nakatakdang tumungo sa Bohol at Cebu bukas si Pangulong Benigno Aquino III upang personal na makita ang sitwasyon sa lugar.