Carla tuwang-tuwa kina Tom at Dennis sa Cosmo Bachelor Bash

MANILA, Philippines – Tuwang-tuwa ang My Husband’s Lover leading actress na si Carla Abellana nang rumampa ang kanyang co-stars sa Cosmo Bachelor Bash 2013 sa World Trade Center Pasay City kagabi.

Kabilang sa gabi ng mga nagseseksihang lalaki ang kanyang leading man na si Tom Rodriguez at ang karibal niyang si Dennis Trillo.

Nagpost ng video si Carla ng pagrampa nina Tom at Dennis. Sinabi ni Carla na mahal na mahal niya at proud siya sa kanyang mga co-stars sa pinakamainit at pinakamapangahas na soap opera sa primetime.

“Ako na ang pinaka-swerteng leading lady. Kahit hindi ako ang pinag-aagawan nitong mga mokong na to, napaka-swerte ko parin. Mahal ko tong dalawang to at proud na proud ako sa kanila. Go #tomden! Congratulations sa inyo! @dennistrillo @akosimangtomas,” caption ni Carla sa ipinost na video.

Ikinuwento rin ni Carla sa kanyang Instagram na natuwa sa kanyang fan sign si Tom at sa katunayan ay nagulat ang kanyang “Daddy” sa pagnood niya.

“Nagulat talaga at natuwa naman siya dahil hindi niya ako inasahan dun. Kakatuwa naman din ang reaction niya sa #tomden fansign ko na pinag-hirapan kong gawin. Walang kokontra sa fansign! Proud ako, hehehe. Good job, @akosimangtomas ! #cosmo69,” sabi ni Carla.

Sa huling post ni Carla ay nagbiro siya at sinabing nakalimutan na niya si Tom dahil mas winner sa kanya si Dennis.

“Sorry daddy pero panalo si beh kagabi. Pinagmalaki niya pa #tomden sign ko. Nakalimutan na kita daddy, kay beh na ako! Waaah! Hehehe. @dennistrillo,” sabi pa ni Carla.

Nakatakdang magtapos ang My Husband’s Lover sa susunod na buwan, pero bago ito mawala sa ere ay magdaraos sila ng concert na pinamagatang "One More Try" sa Araneta Colisuem sa Oktubre 12. (AJB)

Show comments