MANILA, Philippines – Kinumpirma ni international singer Charice Pempengco na magsasama na sila ng kanyang girlfriend sa iisang bahay sa Laguna.
Sinabi ni Charice sa interview sa kanya ng Showbiz Police nitong Sabado na excited na siyang mamili ng mga gamit para sa bahay nila ni Alyssa Quijano sa Barangay Gulod, Cabuyao, Laguna.
Nakuwento pa niya na ayaw niyang magkaroon ng kulay pink sa kanilang bahay.
Dagdag ni Charice na pinakiusapan siya ni Alyssa na puro Hello Kitty ang kanilang gamit sa banyo.
"Pero isa lang ang pakiusap niya, 'yong CR Hello Kitty lahat. Kala ko nga nagbibiro, kaso hindi pala," banggit niya.
Nakatadang mag-celebrate ng kanilang anniversary sina Charice at Alyssa ngunit marami ang nagtatanong kung kamusta na ang sitwasyon ng international singer sa kanyang mommy na si Raquel.
Matatandaan na hindi nagustuhan ni Racquel ang pag-amin ni Charice na isa siyang tibo.
Sinabi rin ni Charice na bumubuti na ang kanilang pagsasamahan ng kanyang mommy.
Samantala, nakatakdang mag-concert si Charice kasama ang dating child star at ngayo’y singer na si Aiza Seguerra sa September 28.
Kaugnay na balita: Manalo ng ticket sa concert nina Charice at Aiza!
Gagawin ang “Power of Two†sa Araneta Coliseum kung saan ito ang unang beses na magsasama sila sa isang concert.