MANILA, Philippines – Kakasuhan na ng gobyerno ang umano’y mastermind sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles anumang araw ngayong linggo, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III.
"The first charges with regard to this issue, I understand, will be filed not later than Monday. There's a possibility it could be filed by Friday," pahayag ni Aquino ngayong Martes sa kanyang press briefing sa Makati.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na plano nilang irekamo ng kasong pandrambong si Napoles at ang mga kasabwat niyang mambabatas base sa mga salaysay ng mga whistleblower.
“Plunder is the target, and it cannot involve just a private individual. There should be public officers. That’s one of the elements of plunder,†sabi ni De Lima.
Sa umano’y scam ay ipinapasok ng mga mambabatas ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa mga pekeng nongovernment organization ni Napoles.
Naireklamo si Napoles ng serious illegal detention matapos ikulong ang whistleblower na si Benhur Luy.
Kasalukuyang nakapiit si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna at nakatakdang basahan ng sakdal sa Setyembre 23.