MANILA, Philippines – Sinalubong ng batikos ang nasipang Supreme Court Chief Justice Renato Corona matapos makiisa sa “Million People March Protest†kontra sa kontrobersyal na pork barrel scam sa Luneta ngayong Lunes.
Suot ang kulay puting damit tulad sa mga raliyista, sinubukang dumalo ni Corona sa protesta ngunit kaagad din itong umuwi nang kantsawan ng “magnanakaw†at “epal.â€
Si Corona ang kauna-unahang pinuno ng mataas na hukuman na napatalsik sa puwesto noong Mayo 29, 2012 matapos mapatunayan ng Senado, na umupo bilang impeachment trial court, na guilty sa betrayal of public trust at lumabag sa Saligang Batas.
Lumabas din sa imbestigasyon na lumabag sa Article II ng Articles of Impeachment matapos hindi ideklara ng tama ni Corono ang kanyang yaman sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth.
Layunin ng kilos protesta na tuluyang maibasura ang pork barrel matapos masiwalat ang mga pangungurakot ng ilang mambabatas at ng negosyanteng si Janet Lim Napoles na siyang tumatanggap umano ng pera.
Nitong Biyernes ay iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbasura sa pork barrel system.
Sinabi ni Aquino na magkakaroon ng bagong sistema kung saan magiging malinaw sa publiko kung paano at kung saan napupunta ang pondong nakukuha ng mga mambabatas.
Pumutok ang isyu matapos magsalita ang whistleblower na si Benhur Luy tungkol sa pangungurakot umano ng mga mambabatas gamit ang kanilang pork barrel na ipinapasok sa mga pekeng non-government organization ni Janet Napoles na ngayo'y nagtatago.