MANILA, Philippines – Umabot sa 600 millimeters ang ulang ibinuhos dala ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Maring mula nitong Linggo.
Sinabi ni Mahar Lagmay, executive director ng Project Noah, sa kanyang Twitter account na mas marami ang bumuhos na ulan noong kamakalawa kumpara sa bagyong Ondoy noong 2009 at hagupit din ng hanging habagat noong nakaraang taon sa parehong buwan.
Rainfall accumulation for 18 August 2013 derived by Filipino Scientist, Irene Crisologo, using Doppler radar. pic.twitter.com/zljnCbFtYb
— Mahar Lagmay (@nababaha) August 19, 2013
Kahapon ay naulit ang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at mga karatig na probinsya.
Rainfall accumulation (11 hrs) for 19 Aug. 2013, derived using Doppler Radar by Filipino Scientist, Irene Crisologo. pic.twitter.com/c4ek6NCOwJ
— Mahar Lagmay (@nababaha) August 19, 2013
Noong nanalasa ang bagyong Ondoy ay nagdala lamang ito ng 455 millimeters sa loob ng 24 oras at 472 millimeters naman noong “Habagat.â€
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes ng gabi na umabot na sa 31, 372 pamilya ang nasalanta ng pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa.
Naitala ag pinakamataas na baha sa Barangay Mcabiling Looc at Tila sa Sta. Rosa Laguna na umabot sa anim hanggang pitong talampakan.
Walong bayan din naman sa Cavite ang nalubog sa baha, particular sa Noveleta na umabot hanggang leeg.
Tatlong katao naman ang naiulat na nasawi, dalawa dito ay sa Cavite matapos bumigay ang isang dike, habang apat na katao ang nawawala.
Wala pa rin pasok sa mga paaralan maging sa mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila dahil sa pananalasa ng ulan at baha.