Red rainfall warning sa Metro Manila

MANILA, Philippines – Naglabas ng red rainfall warning sa Metro Manila at mga karatig na probinsya ang state weather bureau ngayong Martes ng umaga.

"Heavy to torrential rains is affecting Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan, Zambales, Cavite, Bataan, Pampanga and Occidental Mindoro," sabi ng PAGASA sa kanilang update kaninang 7:30 ng umaga.

Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan ang Batangas, Laguna at Quezon.

Tatagal ng tatlong oras ang pag-ulan kaya naman pinag-iingat ng PAGASA ang mga apektadong residente sa posibleng pagragasa ng baha.

Mula noong kamakalawa ay walang humpay ang pag-ulan dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Maring.

 

Show comments