MANILA, Philippines – Humina pa ang bagyong “Labuyo†habang tumatawid ng Luzon at inaasahang lalabas na ito sa Martes ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Lunes.
Namataan ang mata ng bagyo sa Baguio City kaninang alas-10 ng umaga.
May taglay na lakas pa rin si Labuyo na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 19 kph.
Inaasahang nasa 360 km Kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang bagyo bukas o nasa labas na ng PAR.
Pero nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan.
Signal number 2 naman sa Isabela, Aurora, Southern Cagayan, Kalinga, Abra, Southern Ilocos Norte, Zambales, Tarlac at Nueva Ecija, habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Babuyan at Calayan Group, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Northern Quezon including Polillo Island, at Metro Manila.
Patuloy pa rin na palalakasin ni Labuyo ang hanging habagat na magdadala ng katamtaman hanggang panaka-nakang matinding buhos ng ulan sa Southern Luzon at Western Visayas.