MANILA, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area sa Ambulong, Batangas, ayon sa state weather bureau ngayong Martes ng hapon.
Sa inilabas na weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninag ala-5 ng hapon, namataan ang ang mata ng bagyong “Jolina†sa 240 km Kanluran Timog-Kanluran ng Subic, Zambales.
May taglay na lakas si Jolina na 55 kilometers per hour (kph), habang gumagalaw ito sa bilis na 11 kph pa-Kanluran Hilaga-Kanluran.
Si Jolina ang pangatlong bagyo ngayong buwan at pang-10 ngayong taon.
Bukas ay inaasahang nasa 470 kilometro Kanluran ng Subic si Jolina at 700 km sa kanluran ng Dagupan City o nasa labas na ng Philippine area of responsibility sa Huwebes.
Wala namang nakataas na public storm warning signal sa buong bansa.