MANILA, Philippines – Pinaratangang adik at wala sa sarili ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang kanyang dating personal assistant at whistle-blower sa P10 bilyon pork barrel scam na si Benhur Luy.
"I was supposed to charge him in court for qualified theft but my brothers tried to intervene and Benhur himself wrote a letter of apology and volunteered to undergo a spiritual retreat to reform himself who by his own admission is a habitual user of the illegal drug ecstasy. He has his own gender confusion and sexual indiscretions,†paratang ni Napoles na itinuturong mastermind sa scam na kinabibilangan ng ilang senador.
Sinabi pa ni Napoles na pakana ng mga kamag-anak at abogado ni Luy na si Atty. Levito Baligod ang pagbibigay ng maling impormasyon sa mga NBI agents na silang nagsabi sa Inquirer.
"It is clear that the extortion and blackmail is behind the series of articles which have appeared in the Inquirer and was no doubt fed by several unidentified NBI agents who were wittingly being used by Atty. Baligod and the Luy family for their own selfish motives,†dagdag niya.
Samantala, muling itinanggi ni Napoles ngayong Miyerkules na siya ang utak sa bilyung-bilyong pork barrel scam.
Iginiit ni Napoles na wala siyang kinalaman sa pangungurakot ng ilang mambabatas sa pamamagitan ng pagpapasok ng pera sa mga pekeng non-government organizations.
“I have nothing to do with the so-called misuse of senators’ and congressmen's PDAF using bogus NGOs as alleged in the series of Inquirer reports,†pahayag ni Napoles na binasa ng kanyang abogado na si Bruce Rivera sa isang televised press briefing.
Kabilang sa mga senador na itinuturong may kinalaman sa pangungurakot ay sina Senators Ramon Revilla, Jr., Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Ferdinand Marcos Jr., at Gregorio Honasan.