MANILA, Philippines - Pinalawig ng Korte Suprema ngayong Martes ang status quo ante order (SQAO) sa kontrobersyal na Responsible Parenthood and Reproductive Health (RH) Act.
Sinabi ng SC public information office na natapos ang botohan ng mga mahistrado sa 8-7 pabor sa "indefinite extension" ng SQAO.
Nakatakda ang isa pang oral arguments sa Hulyo 23.
Unang naglabas ng 120-araw na SQAO ang mataas na hukuman noong Marso.
Noong Abril ay ibinasura ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ni dating Akbayan party-list representative Risa Hontiveros upang tanggalin ang suspension order.