MANILA, Philippines – Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang North Cotabato ngayong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol pitong kilometro ang layo sa Carmen, North Cotabato kaninang 9:28 ng umaga.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naramdaman ang Intesity 5 sa Carmen; Intesity 4 sa Kabacan at Matalam, North Cotabato; Intesity 3 sa Tagum City at Davao del Norte; at Intensity 2 sa Kidapawan at Koronadal sa Cotabato.
Wala naman naitalang nasaktan dahil sa lindol, pero may inaasahang aftershocks ang PAGASA.