Promosyon ni Baladad tinutulan ng 'Morong 43'

MANILA, Philippines – Binatikos ng mga tagasuporta ng “Morong 43” ang pagkaka-promote kay Brig. Gen. Aurelio Balalad bilang isang Army division commander.

Inamin din ng grupo na hindi na sila nagulat sa pagtataas ng ranggo ni Balalad na dating Armed Forces deputy chief for operations at ngayon ay nakatakdang umupo bilang kumander ng 3rd Infantry Division sa Capiz.

“The Aquino administration obviously rewards instead of punishes human rights violators such as Gen. Baladad,” pahayag ng tagapagsalita ng Morong 43 alliance na si Alex Montes.

Isa si Baladad, na dating deputy commander ng 9th Infantry Division sa Camarines Sur, sa mga itinuturong nasa likod ng pagpapahirap sa mga hinihinalang rebelde na Morong 43.

Sinabi ni Montes na hindi dapat bigyan ng promotion si Balalad dahil may nakabinbin itong kaso.

Ipinagtanggol naman ni Army chief Lt. Gen. Noel Coballes si Balalad.

“Gen. Baladad won’t be given a key position if he is not upright,” ani Coballes.

Dinakip ang mga miyembro ng Morong 43 noong Peb. 6, 2010 sa Morong, Rizal dahil umano sa ilegal na pagkakaroon ng mga armas at pampasabog. Si Balalad ang nakaupong komander ng 202nd Brigade ng military nang nangyari ang hulihan.

Sinabi ng militar na nagsasagawa ng seminar sa paggawa ng bomba ang Morong 43 nang mahuli nila.

Pero depensa ng mga suspek, na inaangking mga health worker sila, na dumalo lamang sila sa isang medical symposium. Dagdag ng Morong 43 na ilan sakanila ay nakaranas ng pagpapahirap upang sapilitang umamin.

Noong 2010 ay iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbabasura sa nakahaying kaso sa mga suspek matapos sabihin ng Department of Justice na kuwestiyonable ang pagkakaaresto sag ma suspek.

Nagsampa naman ng kasong robbery at torture ang grupo noong nakaraang taon laban kina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Balalad, at 17 katao pa na may kinalaman sa pag-aresto at pagkulong sa kanila.

Show comments