Chinese vessels sa Panatag natakot kay Gorio?
MANILA, Philippines – Natakot sa bagyong "Gorio" ang mga Chinese fishing vessels kaya lumayas na ang mga ito mula sa Panatag Shoal, ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin.
“I guess this is really what they do during inclement weather. May Gorio noon tayo,†sabi ni Gazmin, patungkol sa bagyong Gorio.
Kinumpirma ni Gazmin na nag-alisan na sa Panatag shoal ang mga Chinese fishing vessel na mahigit isang taon ding namugad sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.
“As far as the last air patrol that we conducted, there’s no more [Chinese] ships at Panatag Shoal,†ani Gazmin.
Unang pinabulaanan ng Deparment of Foreign Affairs ang ulat na nilisan na ng mga mangingisdang Chinese ang Panatag shoal. Anila, talagang pabalik-balik lamang ang mga ito sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Gazmin na base sa pinakahuling monitoring sa lugar ngayong Biyernes ay hindi pa rin bumabalik ang mga barko ng China.
Tumanggi naman si Gazmin na banggitin kung may plano ang Pilipinas na pigilan ang pagbalik ng mga Intsik sa lugar.
- Latest
- Trending