3 bata patay sa lumubog na bangka sa Iloilo

MANILA, Philippines –  Tatlong bata ang nasawi matapos tumaob ang sinasakyang Bangka sa Concepcion, Iloilo nitong weekend.

Pinakabata sa nasawi ay isang-buwang gulang na sanggol, habang ang dalawa pa ang dalawang taon at apat na taon noong Sabado.

Tatlong katao pa ang nawawala, kabilang ang anim at 10-taong gulang at isang Auria Villarial.

Pauwi mula sa piyesta ang mga biktima nang bayuhin sila ng malalaking alon dahilan para tumaob ang bangka.

Samantala, ayon naman sa isang ulat sa telebisyon ay may isang bata pa ang nasawi dahil sa insidente.

Pumalaot ang mga biktima habang kasagsagan ng bagyong “Gorio” kung saan nakataas ang signal no.1 sa Iloilo.

Show comments