MANILA, Philippines – Tiklo ang isang dating miyembro ng Philippine Army sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Misamis Occidental.
Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ngayong Miyerkules na nasakote si Albert Ozaraga ng Lower Lamac, lungsod ng Oroquieta sa Misamis Occidental noong Mayo 30.
"The suspect is a watch-listed drug personality in the Province of Misamis Occidental. He was a Private First Class assigned at the 4th Infantry Division, 8th Infantry Battalion, Philippine Army based in Claveria, Misamis Oriental and was dismissed from the service last 2010," pahayag ni Cacdac.
Nabawi kay Ozaraga ang 11 pakete ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at marked money sa isinagawang operasyon ng PDEA Regional Office 10,
dagdag ng pinuno ng PDEA.
Nakakulong ngayon ang suspek sa regional PDEA detention cell sa lungsod ng Oroquieta.