Kolehiyala patay, 7 sugatan sa banggaan sa QC

MANILA, Philippines - Patay ang isang kolehiyala at pito pa ang sugatan sa banggaan sa pagitan ng isang cement mixer truck at isang pampasaherong dyip sa Quezon City ngayong Martes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Mary Cherry Inzon, estudyante ng Siena College at residente ng Time Street, Tandang Sora sa Quezon City.

Isa si Inzon sa mga sakay ng dyip na nadaganan ng ten-wheeler na cement mixer truck sa southbound lane ng Quezon Avenue.

Dalawa pang mga pasahero ng dyip ang isinugod sa National Orthopedic Hospital at lima naman ang isinugod sa East Avenue Medical Center.

Nasa kustodya na ng pulisya ang drayber ng trak na si Reynald Duarte.

Show comments