MANILA, Philippines – Daan-daang pamilya ang apektado ng pagbaha sa dalawang barangay sa South Cotabato dahil sa matinding buhos ng ulan nitong weekend, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa inisyal na ulat ng NDRRMC ngayong Lunes, binaha nitong Linggo ang Purok 7, Barangay Esperanza sa bayan ng Norala at Purok 4, Barangay Lopez Jaena bandang 6:30 ng gabi.
Umabot sa 330 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha ngunit walang paglikas ang isinagawa, dagdag ng NDRRC.
Sinabi pa ng ahensya na umapaw ang isang kanal sa National Irrigation Authority (NIA) dahil sa matinding buhos ng ulan kaya naman nagresulta ito sa pagbaha.
Patuloy naman na minamanmanan ng lokal na disaster agency ang lebel ng tubig sa kanal ng NIA, ayon sa NDRRMC.