MANILA, Philippines – Magpapakalat ng 231 sundalo ang militar sa iba’t ibang parte ng Metro Manila upang magbigay ng karagdagang seguridad para sa darating na eleksyon sa Mayo 13.
Sinabi ni Col. Arnulfo Burgos, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, inutusan ang 231 sundalo na magreport sa National Capital Region Police Office ngayong Miyerkules.
Idinagdag ni Burgos na ang 231 na sundalo ay mapapasailalim ng pulisya hanggang sa katapusan ng eleksyon at ang hepe ng NCRPO na si Leonardo Espina ang magdedesisyon kung saan sila ipapadala.
Sinabi pa ni Burgos na handa ang military na magpahiram pa ng mga tauhan sa mga pulis upang masiguro ang seguridad para sa eleksyon.