^

Balita Ngayon

80 undocumented OFWs sa Saudi gusto nang umuwi ng Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 80 undocumented overseas Filipino workers (OFW) ang nagtipon sa labas ng Philippine Consulate General sa Saudi Arabia upang pilitin ang mga opisyal na pansinin ang kanilang kahilingan na mapauwi sa bansa, ayon sa grupong Migrante ngayong Huwebes.

Sinabi ni Bobby Fajarito, vice chairperson ng Migrante-Jeddah, nananawagan ang mga OFW sa mga opisyal ng embahada ng Pilipinas na mapabilis ang kanilang repatriation matapos pansamantalang ipatigil ng gobyerno ng Saudi Arabia ang pagtugis sa mga ilegal na dayuhan sa bansa.

Naunang nakatanggap ng mga hindi pa kumpirmadong ulat ang mga opisyal ng Migrante sa Jeddah na nakatira na sa labas ng embahada ang mga OFW na walang papeles. Gawa umano sa mga pinagtagpi-tagping sako ang kanilang ginagawang tent.

Dagdag ni Fajarito, 80 sa mga namamalagi sa labas ng konsulada ay 20 babae at mga bata.

Aniya, karamihan sa mga OFW ay mula sa Damman at ang iba ay nagmula pa sa Riyadh.

"Most of them came from Dammam and in the Eastern part of Saudi Arabia, some from Riyadh, Saudi’s capital. They really wanted to be repatriated but Philippine officials allegedly are not attending their request for repatriation. They were only told that repatriation program has been stopped," pahayag ni Fajarito.

Sinabi pa ni Fajarito na ang ilang OFW ay inabisuhan ng mga opisyal ng embahada sa Riyadh na tumungo sa Jeddah para mapabilis ang kanilang repatriation.

Noong mga nakaraang taon, ang mga walang papeles na Pilipino at nais umuwi ay namamalagi sa Khadera Bridge sa Jeddah at umaasang hulihin ng mga immigration police upang dalhin sila sa deportation center.

"The stranded, especially women with children, have asked assistance from us like food, water and other basic needs. We will try our best to provide what we can do while we call on Philippine consulate officials to provide their needs," sabi ni Fajarito.

AABOT

BOBBY FAJARITO

FAJARITO

JEDDAH

KHADERA BRIDGE

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL

RIYADH

SAUDI ARABIA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with