1 dedo sa banggaan sa Antipolo

 

MANILA, Philippines - Isa ang patay at tatlo-katao pa ang sugatan sa karambola ng isang 14-wheeler truck, taxi at motorsiklo sa lungsod ng Antipolo ngayong Martes.

Utas ang biktimang si Jerome Bandola Roselio, 30, ng Sta. Mesa, Manila, matapos sumalpok ang sinasakyan niyang motorsiklo sa naturang trak sa kahabaan ng Marcos highway sa Barangay San Jose bandang 6:30 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon mistulang sumabog ang motorsiklo sa lakas ng pagkakabangga nito sa trak na agad na nag-apoy. Damay pa ang isang taxi na napadaan sa lugar nang maganap ang insidente.

Sugatan ang drayber at dalawang pahinante ng trak at kaagad dinala sa Amang Rodriguez Medical Center.

Show comments