PCOS off limits sa mga pulis

MANILA, Philippines – Hindi maaaring lumapit ang mga pulis at sundalo sa mga precinct count optical scan (PCOS) machines, ayon sa isang opisyal ng pulisya ngayong Biyernes.

Sinabi ni Chief Superintendent Juanito Vaño, police regional chief at vice chairman ng Regional Joint Security Control Center (RJSCC), na hindi maaaring lumapit ang mga pulis at military sa mga PCOS machines dahil baka maakusahan sila ng pandaraya.

“They (police and military personnel) will be providing the security, but they will not hold or touch any of those machines. They will not operate or cannot even touch that. It’s only the Comelec (Commission on election),” iginiit ni Vaño.

Noong nakaraang eleksyon ay naakusahan ang mga pulis at military na may kinikilingan na mga pulitiko.

Nagpupulong ang Commission on Elections (Comelec), pulis, sundalo upang plantsahin ang kanilang paghahanda para sa eleksyon, kabilang ang seguridad ng pagpapakalat ng PCOS machines.

Ang unang batch ng mga voting machines na dumating sa Western Mindanao ay dinala sa guwardyadong warehouse.

“The military and police cannot tinker with the PCOS machines. They are off limits. Their concern is for them to provide security that the PCOS machines reach in the destination safely,” sabi ni Vaño.

Show comments