60 sugatan sa aksidente sa NLEX

MANILA, Philippines – Nasa 60 katao ang sugatan matapos sumalpok ang pickup truck sa pampasaherong bus habang binabagtas ang kahabaan ng North Luzon Expressway sa Bulacan ngayong Martes.

Ayon sa ulat, kritikal ang kondisyon ng tsuper ng bus, habang kinukwestyon ang tsuper ng trak na si Reynaldo Lobino Jr. na umano’y nakainom.

Binabagtas ng Santrans Transit bus na patungong San Jose Del Monte ang NLEX sa Meycauyan nang banggain sila ng trak.

Dinala sa magkakaibang ospital sa Bulacan ang mga biktima para gamutin.

Show comments