Pulis tinambangan sa Pasay, patay!

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis nang tambangan sa lungsod ng Pasay nitong Miyerkules.

Utas si Police Officer 3 Alberto Aladano matapos pagbabarilin ng isang armadong lalaki sa kalye ng Acacia, Barangay 143 sa Pasay City.

Isinugod pa sa ospital si Aladano ngunit hindi na siya umabot ng buhay.

Base sa basyo ng bala na napulot ng mga crime scene investigators ng pulisya, .45 pistol ang ginamit sa pamamaslang kay Aladano.

Naganap ang pananambang sa kabila ng mas matinding pagpapatupad ng seguridad ng pulisya at kampanya laban sa mga loose firearms kaugnay ng nationwide gun ban para sa nalalapit na halalan sa Mayo 13.

Show comments