MANILA, Philippines – Pitong unibersidad sa lungsod ng Baguio at isa sa Abra ang planong magtaas ng matrikula sa susunod na pasukan, ayon sa isang opisyal ng Commission on Higher Education (CHED).
Sinabi ni Ramon Santiago, acting director ng CHED sa Cordillera Administrative Region, nagpaalam magtataas ng matrikula ang walong paaralan dahil sa planong pagtataas ng suweldo ng mga guro at para sa pagbili ng mga bagong kagamitan para sa mga estudyante.
Dagdag ni Santiago na babantayan nila ang pagtupad ng walong paaralan sa mga rekisitos na upang makapagtaas ng singil sa matrikula.
Nilinaw ni Santiago na kailangan munang makipag-usap ng walong paaralan sa kanilang mga estudyante bago maipatupad ang tuition fee increase.
"It is in this part of the process where CHED will closely observe as to the proceedings. We hope the demanded increases would be reasonable and that the additional amounts collected would really be spent for the welfare of the students and teachers," sabi ni Santiago.