SC: Saquilyan totoong nanalong mayor ng Imus

MANILA, Philippines - Dalawang buwan bago ang eleksyon, kinumpirma ng Korte Suprema ang resolusyon ng Commission on Elections' (Comelec) na kinikilala si Homer Saquilayan bilang totoong nagwagi sa pagka-alkalde sa Imus, Cavite noong May 2010 elections.

Ayon kay Theodore Te, tagapagsalita ng korte, bumoto ang mga mahistrado, 8-7, sa pagbabasura ng petisyon ni Emmanuel Maliksi na kumukuwestyon sa resolusyon ng Comelec na nagsasabing si Saquilyan ang nanalo sa halalan sa Imus.

Ayon kay Te, wala na ring bisa ang temporary restraining order kontra sa pag-upo ni Saquilyan sa puwesto.

"The decision is immediately executory considering that there are only less than five months left in Saquilayan's term of office," dagdag ni Te.

Show comments