Babaeng medrep huli sa drug bust sa Makati

MANILA, Philippines – Nakorner ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng medical representative sa isinagawang entrapment operation sa lungsod ng Makati.

Nakumpiska ng mga ahente ng PDEA kay Cherry Anne Que, 33, ang 10 kahon na may laman na 280 tableta ng ipinagbabawal na drogang oxycodone hydrochloride na may brand name na Oxycontin. ng ilegal na droga.

"Oxycodone is a dangerous drug included in the 1961 United Nations Single Convention on Narcotic Drugs as amended by the 1972 Protocol. It is an opioid narcotic pain reliever that has similar effects to morphine,” sabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr.

Inaresto ang suspek matapos ipagbili ang mga naturang droga sa isang ahente ng PDEA sa harap ng kilalang drug store sa kanto ng Amorsolo street.

Nabawi pa ang 20 tableta na nakalagay sa re-sealable zipper na container kaya umabot sa 300 tableta ng Oxycodone ang nakuha mula sa operasyon.

Nagkakahalaga ng P100,000 ang mga nakumpiskang droga mua kay Que, sabi ng PDEA.

Sinamsam din ng mga ahente ng PDEA kay Que ang kanyang Toyota Vios na may plakang ZMX-986 at cellphone.

“She (Que) is reportedly engaged in the selling of pharmaceutical products and medical drugs to licensed practitioners and establishments, but unfortunately, she opted to peddle the dangerous drugs to the underground market, thus putting in danger innocent lives,” sabi ni Cacdac said.

Nahaharap si Que sa mga kasong paglababg sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments