MANILA, Philippines – Umabot na sa 281 katao ang naaaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.
Base sa tala ng PNP, anim sa mga nahuli ay mga pulis, anim ang opisyal ng gobyerno, 22 ay mga sekyu, ang isa ay miyembro ng CAFGU at ang mga natira ay pawang mga sibilyan.
Nakakumpiska na rin ang mga pulis ng 242 na armas armas mula nang ipatupad ang gun ban noong Enero 13.
Apat naman na airgun, 65 na patalim, 18 granada at iba pang pasabog at 1,145 na bala ang nasabat ng mga pulis.