25 sundalo sa Quezon shooting 'restricted to barracks'
January 15, 2013 | 5:33pm
MANILA, Philippines – "Restricted to barracks" ang 25 sundalo na kasama sa operasyon sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao, kabilang ang isang hinihinalang jueteng lord.
Sinabi ng tagapagsalita ng Southern Luzon Command na si Generoso Bolina na ang 25 sundalo, kabilang ang team leader na si Lt. Col. Monico Abang ng 1st Special Forces Battalion ng Army ay ipinagbabawal na pumunta sa barracks matapos ang araw ng insidente sa Atinoman.
"Yes, restricted inside barracks lahat ng involved (in the shootout)," sabi ni Bolina.
Dagdag niya na habang nasa loob ng kampo ang mga sundalo ay kailangan muna nilang humingi ng permiso sa nakatataas bago sila payagang lumabas.
"Bawal silang isama sa mga operations kapag restricted sila to barracks," sabi ng tagapagsalita.
"We want to make sure that they will be available for the ongoing investigation into the incident," ani Bolina.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest