MANILA, Philippines – Magpapadala ang Pampanga ng 500 kabaong sa Mindanao upang ipamigay sa mga lugar na may pinakamaraming nasawi dahil sa bagyong Pablo.
Pinangunahan ni Gobernadora Lilia Pineda ang pagpapadala ng kabaong sa Mindanao na ipinagawa pa ng provincial government sa bayan ng Sto. Tomas.
Kilala ang probinsya sa paggawa ng kabaong at tinagurian itong coffin capital ng Sto. Tomas.
Sinabi ng alkalde ng Candaba na si Jerry Pelayo na inihahanda na ang mga kabaong, na nasa P2,000 hanggang P3,000, para ipadala sa Mindanao sa tulong ng Office of the Civil Defense.
Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na umabot na sa 327 na ang nasawi dahil sa hagupit ng Pablo, habang 380 pa ang naiulat na nawawala.
Karamihan sa mga nasawi ay resident eng Compostela Valley, particular sa bayan ng New Bataan at Monkayo.