MANILA, Philippines – Umalma ang mga empleyado ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Miyerkules laban sa mataas na sahod at benepisyo na nakukuha ng matataas na opisyal ng gobyerno sa ilalim ng administrasyong Aquino.
"While top officials of the Aquino administration enjoy fat and scandalous salaries and perks, rank and file employees of the Comelec are not adequately compensated," pahayag ni Armando Mallorca, bise-presidente ng unyon ng Comelec para sa external affairs.
Sinabi ni Mallorca na ang sahod ng mga taga-Comelec ay hindi patas kumpara sa mga manggagawa ng ibang ahensya.
Aniya, ang provincial election supervisor 1 ay tumatanggap ng mas mababa kumpara sa division chief ng ibang manggagawa ng gobyerno.
Samantala, ang election office 1 ay nakakakuha ng P18, 333 kahit na mas mabigat ang responsibilidad nito sa halalan sa distrito, lungsod, o munisipalidad, dagdag ni Mallorca.
"Our menial pay has, in fact, been a source of demoralization and embarrassment for us election officials in the frontlines especially during elections," reklamo ni Mallorca.
Sabi pa ni Mallorca na tuwing halalan, ang honoraria na natatanggap ng city o municipal election officers, na umuupong tagapangulo ng board of canvassers, ay mas mababa kumpara sa natatanggap ng mga Board members, city o municipal prosecutor at ng city or municipal DepEd supervisor. Ito ay dahil ibinabase ang honoraria sa basic pay ng mga tumatayong election officers.
"This is why it pains us to hear of scandalous salaries and perks of Cabinet Secretaries while we who labor very hard every elections just to ensure that those who would appoint these top executives to their positions are elected without a hitch, are paid with just a mere pittance," sabi ni Mallorca.
Nanawagan si Mallorca sa agarang pag-aayos sa sahod ng mga opisyal ng Comelec gayundin sa mga empleyado nito upang matugunan ang hindi makatarungan na pagkakaiba.
Sinusuportahan din nila ang dagdag na P6,000 sa minimum pay ng mga empleyado ng gobyerno sa buong bansa. Dennis Carcamo