Granada sumabog sa Cubao; 5 sugatan

MANILA, Philippines – Limang tao ang sugatan sa pagsabog ng granada sa EDSA Cubao nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Manuel Milanio, Niño Espina, Katherine Escabel, Felecidad Orencio at Rommel Sintorios.

Ayon kay Senior Superintendent Marcelino Pedroso, Quezon City Police Station 10 commander, sumabog ang granda sa harap ng isang apartelle sa EDSA southbound bandang 9:00 ng gabi.

Sakay ng bus sina Milanio, Espina, at Escabel nang sumabog ang granda. Nausugatan ang tatlo ng mga bubog ng sumabog na mga bintana ng pampasaherong bus habang ang dalawa pang sugatan ay kapwa nasa bangketa nang maganap ang pagsabog.

Sinabi pa ni Pedroso na nasa kustodiya na nila ang tatlong suspek, na kinabibilangan ng dalawang construction worker at isang motel roomboy, sa insidente.

Ayon sa opisyal, hawak na rin nila ang isang testigo at hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad.

Show comments