MANILA, Philippines - Arestado sa isang entrapment operation ang isang hinihinalang kilabot na tulak ng droga sa Nueva Viszcaya, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PDEA chief Arturo Cacdac Jr. nahuli ang suspek na kinilalang si Falcon Eric Fernandez, 42, ng San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya matapos magbenta ng apat na pakete ng shabu sa isang police poseur buyer.
Bukod sa ilegal na droga, nakuha din kay Fernandez ang isang cellphone at P1,000 na ginamit bilang marked money ng mga awtoridad.
Samantala, nadagit din ng PDEA si Noli Mercado, 41, sa isang buy-bust operation noong Nobyembre 17.
Nabawi kay Mercado ang 12 pakete ng shabu sa ginawang operasyon sa Margarita Village, Barangay 2, San Carlos City, Negros Occidental.
“Fernandez and Mercado are now facing charges for violation of Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” pahayag ni Cacdac. Dennis Carcamo