MANILA, Philippines - Namatay na rin ang suspek sa pagmasaker sa tatlong babae sa Sta. Cruz, Maynila noong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, binawian na ng buhay si Nestro Delizalde Jr. na suspek sa masaker na naganap sa Sta. Cruz, Maynila noong Lunes ng madaling araw na ikinasawi nina Teresa Tan, 60; anak nitong si Evelyn Tan, 40 at kasmbahay nilang si Kristina Bartolay.
Ayon sa Manila Police District (MPD), nagsasagawa sila ng follow-up operation nang agawin umano ni Delizalde ang baril ng isa sa mga pulis. Napag-alamang si Delizalde ay isa sa mga barangay tanod ng Barangay 225, Zone 21.
Dahil sa ginawa ng suspek ay napilitang umano ang mga pulis na paputukan si Delizalde. Naisugod pa sa ospital ang salarin ngunit binawian din siya ng buhay.