^

Para Malibang

Kometa na kasing laki ng Empire State Building, posibleng tumama sa earth ngayong buwan?!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Na-detect ng NASA (National Aeronautics and Space Administration) ang isang malaking asteroid o kometa na maaaring tumama diumano sa Earth ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa agency, ka­sing laki ito diumano ng Empire State Building.

Ang paparating na asteroid na na-identify nila bilang 2012 XA133 ay kasalukuyan nang mino-monitor ng Center for Near-Earth Object Studies (CNEOS) ng NASA. At ayon sa kanila, ito ang pinakamalaki sa lahat ng asteroid na tatama sa Earth.

Sa kanilang estima, me­ron itong lawak na 1,280 feet wide at may taas na 200 feet, mas mataas pa sa Eiffel tower sa Paris.

Matapos ma-analisa ang natural orbit nito, napag-alaman ng NASA na kamag-anak pala ito ng Apollo family of space rocks.

Dahil sa mapanganib na pagdaan nito sa orbit ng Earth at sa kakaibang laki nito, idineklara ng NASA na isa itong potentially hazardous.

Ayon sa agency, ang mga kometang 

potentially hazardous ay iyong mga malapit na sa Earth at maaaring makapag iwan ng major impact events.

“Potentially hazardous asteroids are currently defined based on parameters that measure the asteroid’s potential to make threatening close approaches to the Earth,” paliwanag ng Nasa sa isang statement.

“Specifically, all asteroids with a minimum orbit intersection distance of 0.05 astronomical units or less and an absolute magnitude of 22.0 or less are considered (potentially hazardous asteroids),” patuloy pa nila.

Dahil sa laki nito at bilis, oras na bumagsak na ito, maaari itong makasira ng isang buong siyudad at ang mga kalapit nitong bayan.

Ayon pa sa CNEOS, inaasahang tatama sa Earth ang 2012 XA133 sa March 26 at 10:52 pm EST.

Hindi diumano ito babalik sa Earth hanggang sa April 9, 2023.

vuukle comment

EMPIRE STATE BUILDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with