Homesick na OFW
Sa pagdeklara ng coronavirus pandemic ay kasabay rin ang travel ban ng mga bansa sa iba’t ibang sulok ng mundo. Apektado ang mga overseas Filipino workers na pauwi ng ‘Pinas, ang iba ay naaantala pa ang kanilang pagbabalik. Bagama’t welcome ang OFW na umuwi sa ‘Pinas ngunit nagkakaroon ng problema sa mga bansang kanilang panggagalingan.
Hindi maiwasan na atakihin ng homesick ang OFW lalo na sa health emergency na nagaganap globally. Hindi madali na malayo sa pamilya na nag-aalala sa kalagayan ng mga anak, asawa, kapatid, at ibang kamag-anak.
Ang kalungkutan ng OFW ay indikasyon ng matibay na bond ng indibidwal sa pamilya. Habang malayo sa pamilya ay kailangang manatiling healthy upang hindi rin mag-alala ang mga naiwang anak at asawa sa ‘Pinas. Pagtibayin pa rin ang komunikasyon upang maibsan ang homesick gamit ang hi-tech ng Internet o social media upang tumibay pa rin ang koneksyon sa pamilya. Higit sa lahat ay manalangin na magsisilbing sandata ng OFW at buong pamilya laban sa virus.
- Latest