^

Para Malibang

Zombie Family (381)

Gilda Olvidado - Pang-masa

ANG pamilya nina Laurice at Herman ay nabubuo. Kahit pa maraming tanong na dapat sagutin.

Tulad ng tungkol kay Nikolai.

Hindi na lang muna nila ito pinag-uusapan.

Tulad din ng mga body parts ni Marga na hanggang ngayon ay nasa islang iyon pa rin.

Monitored naman ang isla ng aerial surveillance at updated si Herman sa nakikita roon.

Pero para lang maging normal kahit papaano ang kanilang pamilya para na ring iniiwasan muna nilang pag-usapan ang tungkol sa mga body parts.

Ang importante, tahimik.

Masaya sila.

Walang patayan, walang zombies. Mga ilang linggo na rin na normal ang takbo ng Kamaynilaan.

Not even a zombie spotting.

Kaya naman parang ito na nga iyung pagkakataon para mabubuo na nga silang muli.

“Guess what? Ang ulam natin ngayong dinner.” Masayang lumabas sa kitchen si Laurice.

Nangiti si Herman, tulad pa rin ng dati si Laurice, kapag wala sa work, nangunguna ito sa kusina.

Ang katulong ay nag-a-assist lamang.

“Dapat pa bang hulaan ‘yan? How many dishes?”

“Two. But I have appetizers. And desserts.”

“Alright, ‘yung main dishes muna ang huhulaan ko. Ang paborito nating dalawa na sinigang na beef, that’s the first one. Second is siyempre paborito naman ng mga anak natin. Chicken Fillet with sauce. Ang dessert, paborito nating lahat, buko pandan. At ang dalawang appetizers ay …”

Natawa na lang si Laurice. “Oo na. Huwag na, tiyak tama pa rin hula mo. You are still so familiar with everything in our family.”

Nakita ni Herman ang kaligayahan ng kanyang asawa.

Ramdam din niya ang tunay na kaligayahan niya.

“Laurice, salamat, ha? Basta ako bumalik, ang gulo pa rin naman ng buhay ko pero tinanggap mo ako. Without questions. Basta masaya lang tayo.” - ITUTULOY

ZOMBIE FAMILY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with