Zombie Family (359)
MABILIS ngang nakalabas sa ilalim ng dagat si Nikolai.
Nakarating sa itaas ng ere.
Naghanap ng bundok.
Narating ang isang bundok sa Cordillera.
Nang makitang walang tao, nagpasya siyang ito ang kanyang magiging taguan.
“Pero nandirito lang ako kapag walang panganib sa lipunan. Sa gabi, sisikapin kong makakita ng tv o makarinig ng radio to update on news. Para makatulong ako kapag may ginawa na naman ang may maitim na kapangyarihan. Sana, hindi na makakatakas si Leilani para tahimik na ang mga tao.”
Nanguha siya ng mga bali nang sanga ng mga punong-kahoy. Mga dahon ng niyog, nakakuha rin siya.
At gumawa siya ng matutulugan.
Isang kubo lang ito na masisilungan. Nang magutom, naghanap siya ng mga punong-kahoy ng mga prutas. Namitas.
“Ang dami-dami palang mga prutas dito, wala yatang nakakaalam? Sayang naman, nalalaglag lang sa lupa at nabubulok.”
Naaalala niya ang maraming nagugutom na tao. Na hindi lang sa Maynila.
May nadaanan siyang mga bata at matandang naglalakad, nanghihina sa gutom.
May mga kubong giba na, may mga tao pa ring nakatira roon, nasilip niya sa mga pinto at mga bintana … halatang mga payat.
Kulang din sa pagkain.
May nabuong disisyon si Nikolai. “Isa akong flying zombie, nakakatakot din ang itsura kahit hindi nabubulok at inuuod. Pero puwede akong makatulong. Puwedeng-puwedeng makagawa ng kabutihan.”
Lumipad siya. At namitas ng mga prutas.
Gumawa siya ng mga malalaking basket mula sa mga dahon ng niyog at saging.
Pinatuyo muna niya ang mga ito sa araw.
Nagawa naman niyang matitibay ang mga malalaki at maluluwang na baskets.
Doon niya isinilid ang mga napitas na prutas.
Kahit ang mga nalaglag na puwede pa rin namang kainin dahil hindi pa mga bulok at kailangan lang hugasan, balak na rin niyang dalhin sa mga tao.- ITUTULOY
- Latest