^

Para Malibang

Pusang nakulong sa refrigerator

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Marami tayong paraan para iwasan ang matinding init ng panahon. Nandiyan ang pag-inom ng sumisikat na milktea, fruit shake o pagkain ng ice cream. Ang iba naman ay naglalagay ng yelo sa tubig na pang-yelo.

Pero alam niyo bang hindi lamang mga tao ang naghahanap ng paraan upang malamigan kapag sila ay naiinitan?

Tulad nalamang ng pusang si Tali na alaga ni Christine. Sa tuwing kasi binubuksan ni Christine ang kanyang refrigerator ay sumasabay si Tali sa pagpasok para siya ay malamigan. Agad naman niya itong inilalabas para hindi magkasakit.

Isang beses ay nagkataon namang napa­karaming laman ng ref ni Christine kaya hindi nito namalayang pumasok pala si Tali. Naiwan ang pusa ng ilang oras sa fridge. Nang ma-realize niyang wala si Tali sa bahay ay agad niyang binuksan ang fridge at nakita itong lamig na lamig doon. Ipinatingin niya ang alaga sa doctor at wala namang seryosong nangyari rito.

Ngayon ay mabilis na lumalaki si Tali kaya hindi na ito halos magkasya sa ref.

Ayon pa sa owner nito: “Tali is a 4-year-old barn cat, and we don’t know her entire breed, but we do know she’s half Maine Coon. She’s always been a water cat and absolutely loves sitting in the running shower and lounging in dripping sinks, but the fridge was a short-lived adventure”

 

 

REFRIGERATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with