Suka, shampoo, at oil epektibong panlaban sa lamok
Napapadalas ang pag-ambon o pag-ulan sa nakaraang mga araw. Dahil dito ay dumarami na naman ang mga lamok na may dala-dalang sakit.
May kamahalan ang mga mosquito repellent na mabibili sa supermarket kaya ngayon tuturuan namin kayo ng epektibong DIY (Do-It-Yourself) mosquito repellent.
Epektibong panlaban sa lamok at langaw ang pinagsama-samang cooking oil, shampoo, at 9% vinegar. Paghalu-haluin lamang ang mga ito in equal quantities hanggang sa bumula. Pwede mo i-spray ito sa iyong katawan. Epektibo ang suka panlaban sa lamok at langaw samantalang pangontra naman sa amoy nito ang shampoo. Ang cooking oil ang siyang magsisilbing base ng mixture.
Kung maselan naman sa amoy ng suka ay maaaring gumawa ng mas mabangong klase. Pagsamahin lang ang vanilla powder at baby lotion sa ratio ng 1 to10. Maaari ring ihalo ang vanilla powder sa tubig at i-spray sa katawan.
Samantala, maaari ring gumamit ng essential oils tulad ng anise, basil, at eucalyptus. Kailangan lamang ng 10 drops nito sa bawat isang baso ng tubig.
Maaari itong gamitin sa aroma lamp o heated pan. Kung wala ang mga nabanggit ay puwede itong ilagay sa bulak at ilagay sa gilid ng bintana.
- Latest