^

Para Malibang

Post-holiday blues

Pang-masa

Kung nakararamdam ng konting blue o depression pagkatapos ng holidays, hindi ka nag-iisa. Ang post-holiday blues o post-vacation blues ay totoo na nakararanas ng dark mood o inaabot ng isang linggo pagkatapos ng holiday ay normal na sitwasyon.

Noong holiday ay literal na napapaligiran ng kung anong inaaasahan at dapat na maramdaman, kung ano ang dapat ginagawa, o ano ang gustong mangyari. Lalo na kung hindi naramdaman ang pinakamasayang moment ng taon o walang access na bumili ng mga bonggang regalo na parang maaaring na alam mong mayroong hindi tama. Feeling na isolated at nag-iisa. Ngayon ay hindi pa nasisikatan ng araw sa dapat ay pinaka-geographical areas na malamig pa rin ang hangin ay perfect ang sitwasyon o recipe para makaranas ng feeling blue. Gaya ng ibang bansa o lugar na  natutunaw pa lang ang yelo sa kanilang paligid na hindi pa nga sumisilip ang araw.

Maaaring iniisip na ikaw lang ang nakararamdam ng ganitong sitwasyon, puwes hindi ka nag-iisa.

Kailangan na ibaling ang lungkot sa ibang bagay. Kung ang mahal sa buhay sa ibang bansa na hindi pa nasisinagan ng araw ay i-encourage na kumuha ng light box, magpa-spa na may light therapy, o simpleng i-turn on na sindihan ang mas marami ng ilaw na nakatutulong na gumanda ang mood. Dito sa ‘Pinas ay puwedeng lumabas ng bahay para masinagan ng init ng araw lalo’t back to work o realidad na ang lahat.

Maglinis ng kalat, dahil ang physical na abubot sa paligid ay may impact sa emosyon. Mamili ng ililigpit na puwedeng cabinet o file na kailangang i-reorganize at ayusin. Mamangha na gagaan din ang pakiramdam dahil nailalabas din ang emotional clutter o bigat ng kalooban. Bigyan din ng reward ang sarili kahit simpleng i-treat ng maliit na bagay. Puwedeng mamili ng activity na gustong gawin na maaaring manood ng sine, pumunta sa museum na hindi pa napapasyalan, o kahit pag-inom lang ng milk tea. Kumain ng masusutansyang pagkain gaya ng gulay at bawasan ang matatamis na malaki ang negatibong impact sa emosyonal na sistema na nagkakaroon ng high-low spike na pakiramdam. Magkaroon ng connection sa ibang tao na may parehong passion at pananaw. Maghanap ng grupo o organisasyon na may kaparehong mission na gustong gawin upang lalong mahamon o ma-inspire. Bumawi ng tulog na magkaroon nang sapat na pahinga at manatiling hydrated na uminom nang tamang tubig. Parehong importante na mabalanse ang mental health at physical na kalusugan. Ingatan ang sarili upang makapag-recharge.

Higit sa lahat ay magkaroon ng quite time. Tigilan muna na punuin ang sarili ng mga schedules, bagkus ay maghinay-hinay na maglaan ng oras na magmuni-muni para magpasalamat sa mga blessings at manghingi ng wisdom at gabay sa buhay.

HOLIDAY BLUES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with