Bipolar si nanay
Dear Vanezza,
Nahihirapan ako kapag sinusumpong si mama ko na kanyang pagiging bipolar. Kahit pinaghihirapan ko ang pag-aaral ko para ma-appreciate niya, pero kapag sinumpong lahat ng bagay ay isusumbat niya at pati mali ay uungkatin niya. Mahilig si mama na mang-asar para lang makuha ang atensyon ko. Love ko naman si mama kaya lang ay ayaw kong ma-distract sa pag-aral ko. Gusto ko na lang mag-boarding house dahil nai-stress ako, pero ayaw ni tatay dahil wala kaming budget. Ano ba ang gagawin ko madalas akong pagtripan ng nanay ko. – Michelle
Dear Michelle,
Imungkahi kay tatay na ipatingin si nanay sa psychologist. Puwede rin magkaroon ito ng therapy upang ma-manage ang kanyang sakit. Upang gumaan din ang iyong sitwasyon sa bahay. O baka kailangan nang magpa-rehab ni nanay sa isang facility para tuluyang gumaling ito sa kanyang sakit.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest