Love Letter para sa Anak
Ang sarap na lumalaki ang mga anak na mayroong good character na kahit walang intention na turuan sila. Sa malas, hindi ganito ang kaso ng mga pamilyang Pinoy o kahit pa saang panig ng mundo. Makatutulong na turuan ang anak na magkaroon ng respeto, maging mahinahon, masipag, matapang, yung tipong may resilience, at kung anu-ano pang good characters.
Makatutulong ang ilang tips ng ibang magulang upang maturuan ng magandang qualities ang mga bata.
Tulad ng pagbibigay ng “love letter” sa anak. Magkaroon ng special effort na magbigay ng notice sa isa sa mga anak kapag nakagawa ito ng good job.
Kung nagkamali naman ay puwede rin ang ganitong idea na magbigay ng note sa anak sa character na kailangang niyang i-develop. Ipaliwanag sa letter kung gaano ka-proud sa anak, kung gaano ito kamahal, at buo ang iyong suporta sa anoman nitong desisyon o goals sa buhay.
Kapag nagbibigay ng “letter” sa anak ay nakukuha ang atensyon ng anak. Ang anak ay mabilis na ma-turn off o ma-bad shot sa mga magulang sa kakasermon o kakabunganga, pero ang simpleng sulat ay mahirap mabalewala ng anak. Kadalasan ay itinatago ito ng mga anak ang sulat na paulit-ulit na binabasa ang mga good comments ni tatay o nanay.
- Latest