‘Right Time, Right Person’
Dear Vanezza,
I’m Jisoo, 15 yrs.old. Meron po akong manliligaw since I was grade six in province. Siya po ay 23 yrs.old. Akala ko po matatahimik na ako ‘pag dito na ako sa Maynila mag-aral, pero nagulat po ako when he txt me. Tinanong ko po siya kung saan niya kinuha ung # ko sabi niya sa mama ko raw.
Sa totoo lang po hindi alam ng mama ko na nanliligaw siya sa akin. Simula po nun palagi na siyang nagti-text sa akin. Dahil po bata pa ako sinasabi ko sa kanya na wala pa sa vocabulary ko ang mag-bf, kahit mahal ko na siya. Pero po ang kulit niya kaya humingi ako ng advice sa friends ko sabi nila sagutin ko raw kasi mukha namang seryoso!
Pero po napag-isip-isip ko na may “right time & right person” siya para sa akin balang araw. Kaya po nung tumawag siya sa akin nung b-day ko, binasted ko po siya. Simula po nun hindi na siya nagpaparamdam at kung magkakasalubong po kami umiiwas siya. Kaya po nagi-guilty ako. Sa tingin n’yo po ba seryoso talaga siya sa akin? Dapat po ba akong ma-guilty? More power po!
Dear Jisoo,
‘Wag kang ma-guilty dahil tama lang na hindi mo siya sinagot. Kung talagang mahal ka niya, maiintindihan niya ang dahilan mo at willing siyang maghintay sa tamang panahon. Tama rin na hindi ka nagpadala sa payo ng mga friends mo dahil hindi sukatan ang pagiging seryoso ng isang lalaki para mo siya sagutin. Kung iwasan ka man niya, normal lang ito sa isang taong nasaktan ang damdamin. Mabuting pag-aaral muna ang iyong pag-ukulan ng panahon. Marami ka pang makikilala kaya huwag kang magmadali sa pag-ibig.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest