^

Para Malibang

Tama ba ang pinapagawang Online Assignment para sa mga Estudyante?

EMOTE NG PABEBE - Pang-masa

“Naku dapat tigilan na ang ganyang sistema. Wala naman sanang problema kaso tama ba na last minute nagpapa-assignment on the spot ang mga teachers? Kahit weekends? Aware ba ang mga schools sa ganyang deadline ng mga teachers? – Mayeth, Las Piñas

“Sa akin walang problema para sa magandang grades ng mga bata. Ayaw ko lang ang mga research at ang gaga­wing project para sa kanilang online submission kasama ang mga classmates na kailangang mag-overnight pa sa ibang bahay. ” – Nancy, Manila

“Iba na talaga ang panahon ngayon. Pati homework at project online na rin. Kung sa ikatututo ng mga estudyante bakit hindi dahil nasa digital world na talaga sila. Ang worry ko lang ay nababawasan na ma-express ng mga students ang kanilang sarili sa harap ng klase.” – Basti, Malabon

“Naku dismayado ang anak ko. Pati lecture nila sa school online na rin. Wala na raw ginagawa ang professor nila, kundi mag-send na lang kanilang lesson. Katuwiran ng anak ko, kaya nga siya nag-enroll sa school para makipag-participate siya sa klase. Ngayon iba na raw, tamad na rin ang mga prof. nila. Puro sending na lang ang discussion, quizzes, assignment, at project nga. Nalulungkot ang anak ko sana raw ay nag-homeschool na lang siya kung ganyan lang ang sistema sa school nila.” – Jackie, Makati 

“Ang online studies ay tinatawag na distance learning na ang intensyon ay sa mga estudyanteng walang kakayahang maabot ang school nila. Maganda rin ito sa school lalo na sa mga estudyante na online ang approach para sa kanilang mga lesson o discussion. Pero siyempre may disadvantages din gaya ng nawawala na ang personal touch, connection, at physical na komunikasyon. Dahil hindi na nga face-to-face ang pagtuturo at participation ng mga students.” – Lornz, Sucat

ONLINE ASSIGNMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with