‘Happy place’ para sa anak
Importante na gawing positive place ang tahanan. Bago matulog tuwing gabi ay kilitiin ang anak. Magkuwentuhan, makipagtawanan, o magkantahan kapag sama-sama sa bahay ang pamilya lalo na ang mga anak.
Ang bahay ay dapat maging lugar kung saan na tinatawag itong “happy place” para sa kaligtasan din ng mga anak. Wala itong kinalaman sa pagkakaroon ng laruan. Sa halip ay ang pagdedesisyon ng magulang na ang kanilang tahanan ay magkaroon ng masayang vibes. Pilitin na maging mahinahon ang pagsasalita at pakikipag-usap sa mga anak. Laging ngumiti upang mahawa rin ang pamilya.
Ayon sa research, tuwing nakangiti ay nagbabago rin ang katawan. Ang mga chemicals o endorphins na siyang nagpapaganda ng daloy ng brain. Kapag masaya ang environment at palabiro ang magulang ay natututunan din ng mga anak na magkaroon ng sense of humor.
- Latest