Dapat bang Ibalik ang Pagtuturo ng GMRC sa Klase?
“Oo naman upang maituro muli sa mga kabataan ang tamang asal. Para matuto silang maging magalang kahit sa simpleng pagsasabi ng opo o po, pagmano, at magkaroon ng manners para mag-behave sila kahit saan.” – Jocelyn, Imus
“Ang pagtuturo ng good manners ay dapat nagsisimula sa loob ng bahay. Bakit iaasa sa school ang pagtuturo ng magandang asal? Dapat ang magulang ang unang nagpapakita ng good manners at saka lang susunod ang mga anak. Kung hindi tinuturuan sa bahay asahan na bad example rin ang anak kahit sa kanilang school.” – Jhen, Manila
“Paano mo tuturuan ang anak ng good manners. Kung mismong batas ay tinanggalan ang ng karapatan ng magulang at school na paluin ang anak para ituwid ang mga mali ng mga anak.” – Janice, Makati
“Ituro na yan, para sa mga susunod na henerasyon ay maibalik ang magagandang kultura at ugali ng mga Pinoy. Hindi pa naman huli ang lahat para ituwid ang mga bad manners at pasaway na mga anak!” – Cris, Bataan
“Ibalik man o hindi. Wala pa ring saysay yan kung wala pa ring limitasyon ang mga anak sa paggamit ng CP. Kahit anong turo mo kung open naman silang naiimpluwensyahan ng masamang feed o video games sa social media bale wala pa rin. -Becky, Bacolod
- Latest