Depression ng anak sa pag-aaral
Dear Vanezza,
Hindi ko na kaya ang pressure ng kurso kong engineering. Hindi ko naman ito choice, kundi ng magulang ko. Gusto ko ng music pero ayaw nila. Nagkakaroon ako ng depression dahil hindi ko ma-enjoy ang pag-aaral ko. Gusto ko na pong mag-shift ng kurso, pero natatakot akong magalit at masaktan ang parents ko na malaki na rin ang nagastos sa aking pag-aaral. Ano po ang gagawin ko? – Mark
Dear Mark,
Ipagtapat sa magulang mo ang totoo mong sitwasyon. Tiyak na maiintindihan at rerespetuhin nila ang kalagayan mo. Hanggang maaga ay magpalit ka ng kurso para hindi masayang ang oras mo at pera ng magulang mo. Higit sa lahat ay makakalaya sa bigat ng depression na nararanasan mo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest